Lahat ng tungkol sa wika.
Samot-sari
Ibalóy
Ang Ibaloy (ibl) ay kabílang sa grupong Cordilleran ng Northern Philippine languages. Gayumpaman, mas katulad ito ng Pangasinan at Ilongot na sinasalita sa labas ng Cordillera, kaysa sa mga kalapit na wika tulad ng Kankanaëy, Bontok, at Ifugaw¹.
Ang mga Ibaloy ang kinikilálang katutubò sa Lungsod Baguio at sa mga bayang nakapalibot dito. "Bagiw" ang tawag nila sa Baguio. Ang pangalan ng Solibao Restaurant sa Session Road ay nagmula sa solibao, isang salitâng Ibaloy na tawag para sa kanilang tambol².
Mga Sanggunian:
¹ Ameda, Chimcas, Gonzalo A. Tigo, Vicente B. Mesa, Lee Ballard, at Patricia O. Afable. 2011. Ibaloy Dictionary. Baguio: Cordillera Studies Center.
² Fong, Jimmy B. 2013. "Mga Ambag na Salitang Ibaloy." Sa Ambagan 2013: Mga Salita Mula sa Iba't Ibang Wika sa Filipinas, ni Michael M. Coroza, 1-10. Quezon: University of the Philippines Press.