Lahat ng tungkol sa wika.
Samot-sari
Ilokáno
Ang Ilokano (ilo) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at itinuturing na lingua franca sa hilagang bahagi ng bansa sapagkat kinaklasifay na ito bílang wika ng malawakang komunikasyon¹. "Samtoy" ang nagugustuhang tawag ng matatanda sa Ilokano, isang kontraksiyon ng pariralang saomi ditoy na may ibig sabihing “salita namin dito”².
Gumagamit ang Ilokano ng ortograpiyang may emblematikong fangsyon na natatangì sa mga wika ng Pilipinas. Sa nakagawiang tradisyon sa ispeling ng maraming manunulat na Ilokano, hindi sinisingitan ng titik Y o W ang mga salitâng binibigkas na may kambal-patinig o diptonggo alinsunod sa Tarabay iti Ortograpia ti Pagsasao nga Ilokano (2012)³. Halimbawa, 〈biag〉 imbes na <biyag>, 〈kararua〉 imbes na <kararwa>, at 〈kontekstualisasion〉 imbes na <kontekstuwalisasyon>.
Mga Sanggunian:
¹ Eberhard, David M.; Gary F. Simons; Charles D. Fennig (eds.). 2020. Ethnologue: Languages of the World. Twenty-third edition. Dallas, Texas: SIL International. Bersiyong online: http://www.ethnologue.com.
² Delima, Purificacion G. 2009. "Ambag Samtoy Salita." Sa Ambagan 2009: Mga Salita Mula sa Iba't Ibang Wika sa Filipinas, ni Galileo S. Zafra, 9-23. Quezon: University of the Philippines Press.
³ Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). 2012. Tarabay iti Ortograpia ti Pagsasao nga Ilokano. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.
Mga halimbawang pangungusap sa Ilokano:
ambag ni Rio Jumalon