Lahat ng tungkol sa wika.
Samot-sari
Sambál Tinà
Ang wikang Sambal Tina (xsb) ay isang wikang Sambalic sa Pilipinas na sinasalita ng humigit-kumulang 70,000 ispiker, pangunahin sa limang munisipalidad sa hilaga ng Zambales: Íba, Palauig, Masinloc, Candelaria, at Sta. Cruz, at sa munisipalidad ng Infanta sa Pangasinan. Naiiba ito sa Sambal Botolan (sbl)¹.
Ayon sa saliksik ng Ethnologue (2019), hinggil sa paggámit sa Sambal, sinasalita ang wikang ito ng mga nakababata sa pagtatrabaho kung hindi pa sila tutulóy sa kolehiyo, gayumpaman hindi ito gaanong ginagámit ng mga batà. Sa kabilâng bandá, ginagámit ito ng matatanda sa lahat ng dominyo: oral sa lokal na komersiyo at paminsan-minsan sa mga gawaing panrelihiyon at politikal na kampanya. Hindî nila ginagámit ang Sambal sa pakikipag-usap sa mga tagaibang lugar, ngunit ikinatutuwa nila kapag nag-aaral ng Sambal ang isang hindi tagadoon. Lahat sa kanila ay nagsasalita ng Filipino at may mangilan-ngilang nagsasalita ng Ilokano².
Mga Sanggunian:
¹ Elgincolin, Sotero B. 1988. English-Tina Sambal-Pilipino Dictionary. Maynila: Summer Institute of Linguistics.
² Eberhard, David M.; Gary F. Simons; Charles D. Fennig (eds.). 2019. Ethnologue: Languages of the World. Twenty-second edition. Dallas, Texas: SIL International. Online version: http://www.ethnologue.com.
Mga halimbawang pangungusap sa Sambal Tina: