Lahat ng tungkol sa wika.
Samot-sari
Isináy
Ang wikang Isinay (inn) ay kabílang sa mga wikang Central Cordilleran sa Pilipinas. Ang mga wikang kasáma sa pamilyang ito ay ang Isinay, Kinalingga, Itnëg, Bontok, Kankanaëy, Balangaw, at Ifugaw. Maraming varayti ang bawat isa sa mga wikang ito at kung minsan ay itinuturing nang hiwalay na wika. May hindi bababà sa tatlong dayalek ang Isinay na sinasalita sa tatlong munisipalidad ng Nueva Vizcaya, Dupax del Sur, Aritao, at Bambang.
Ang Isinay ay isa sa mga wikang naglalaho na. Nakaklasifay ito sa nanganganib (threatened) sa ilalim ng Expanded Graded Intergenerational Disruption Scale (EGIDS), at may malubhang banta na mawala sapagkat hindi na ginagámit ng karamihan sa mga kabataan sa mga komunidad ang wika ng kanilang mga magulang at ninuno. Ikinababahala ito ng mga matatanda dahil hindi lang ito pagkawala ng wika para kanila, kundi pagkawala rin kultura at mga hálagáhang (values) natutuhan nila sa pagkabatà¹. Bílang tugon, nagsimula na ng isang community-based revitalization program ang komunidad ng mga Isinay at itinuturò na ito sa summer school ngunit mas may fokus sa mga kultural na aktbidad².
Mga Sanggunian:
¹ Reid, Lawrence A., and Analyn V. Salvador-Amores. 2016. Guide to Isinay Orthography. Baguio: Cordillera Studies Center.
² Eberhard, David M., Gary F. Simons, at Charles D. Fennig (eds.). 2020. Ethnologue: Languages of the World. Twenty-third edition. Dallas, Texas: SIL International. Online version: http://www.ethnologue.com.
Mga halimbawang pangungusap sa Isinay
ambag ni Sr. Maria Concepcion "Ching" Daran mula sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya